PALABRA de HONOR

thoughts  Tagged , 2 Comments »

Sabi ng prof ko,

“There are only two things in this world you can never take back once it’s done; Time and Word. Siguro dun sa Time lahat kayo sasang-ayon sa statement na sinabi nya, pero dun sa Word, I doubt. Siguro sasabihin nyo, pwede namang bawiin at sabihing, “JOKE LANG” pero hindi parin, sa mga salitang lumalabas sa bunganga ng isang tao kasi, malalaman mo kung anong klaseng tao sya.

Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon, ‘pag may sinabi ka ta’s hindi nagustuhan ng taong sinabihan mo, kakabig ka at sasabihin, “ui, joke lang! masyado ka namang seryoso.” Huwag ganun, sabi kasi nila, “jokes are half meant”, totoo! Bakit, masasabi mo ba ‘yong bagay na yun kung wala kang basehan? Ewan ko ba kasi sa mga tao, lalo na satin dito. Masyadong pinapanindigan yung survey na tayo daw ang pinaka-masayang tao sa mundo sa kabila ng kahirapan, lahat ng bagay ginagawang biro. WTF!

Ganun din pag kinommit mo ang sarili mo sa isang bagay, lalong ndi mo pwedeng bawiin na lang basta.

Katulad na lamang nung isang kakilala, lumapit sya minsan sakin confused daw xa, tinanong ko naman kung bakit, kasi daw andami nyang naririnig na sinasabi ng ibang tao tungkol sa boyfriend nya, kesyo ndi naman daw ganun kagwapo yung boyfriend nya para sakanya. Totoo naman kasi, magandang babae naman yung kakilala kong yun. Higit pa daw dun kasi sa boyfriend nya ang dapat para sakanya. Oo, siguro, KUNG panlabas na anyo lamang ang pagbabasehan. Kaya tinanong ko ngayon sya kung ano nga ba ang nakita nya sa lalaking yun at sinagot nya. Hindi ko na iisa-isahin yung mga katangian ng boyfriend nya na sinabi nya, pero kung susumahin, eh linsyak naman pala sa kabaitan yung mokong eh! Langya! Kaya pala!

Ang problema, masyado syang naaapektohan sa mga naririnig nya, parang gusto na nyang bawiin yung commitment nyasa boyfriend nya dahil dun, sabi ko naman wag na lang nyang intindihin yung naririnig nya sa ibang tao, dahil sa huli, pasya din lang nya ang masusunod. Sinigurado ko kung mahal ba talaga nya ung lalaki, eh sabi oo daw. Sabi ko nman, ang kelangan na lang nyang gawin e panindigan ung commitment na ginawa nya, at kelangan nyang magtiwala sa sarili nya.

“love is not blind, it just don’t mind…”

Ilang Oras?…

Korni  Tagged 4 Comments »

Ano naman akala mo? Drama? Ndi noh!

Sabado, umaga, nagising ako mula sa malalim na pagkakahimbing hindi ko namalayan ang oras.. Bumangon ako, bumaba naligo, nagbihis saka naglinis. Walang bago sa nakasanayang gawin araw-araw, pero parang iba ang pakiramdam ko.. para akong excited na ndi ko maintindihan, nagbukas ako ng shop, tumingin ako sa oras, 7:30 sakto hindi ako late nagbukas, as usual pagkabukas at wala pang kostomer, tambay muna sa harap, tinignan ko kung bukas na ba si Aling Sol, may-ari ng tindahan sa kabila,bibili sana ako ng yosi, tas makikiinom ng tubig,kaso ndi pa, maaga nga ako.Kaya napagpasyahan kong ipagpatuloy yung ginagawa ko, tumambay ulit sa harap, nagbibilang ng mga sasakyang nagdadaan, pinagmamasdan ang iba’t ibang klase ng mukha ng mga taong naglalakad (syempre yung mga magaganda talaga inaabangan ko) hihi.. isa, dalawa..

kostomer: Kuya, palaro..

ako: cge, ilang oras?

kostomer: tatlo kuya..

ako: cge!

Ayun! unang kostomer, mga 7:38 yun eh, pagka-log ko ng time-in nya napatingin ako sa kalendaryo, hinanap ko kung ano na bang petsa ngayon, FEBRUARY 28, 2009!!!?? Kaya pala excited ang feeling ko kanina kasi ngayon na pala yung araw na hinihintay ko.. woosh! BUKAS UUWI NA AKO.. heheh..

Ang Blog

Korni 2 Comments »

blog

ano nga ba ang blog?

habang naghahanap ako sa “google search” kung ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang “blog” napunta ako sa “blog” ng isang taong ndi ko naman kilala na may post din tungkol sa “blog”. Ang sabi nya:

  • Ang “BLOG” ay ang tunog na likha ng isang pagbagsak o pagsemplang…MAS MATAAS ANG PINANGGALINGAN, MAS MALAKAS ANG BLOG!!!
  • Ang blog ang tanging lyrics ng kanta ng mga serena…bakit kanyo? e nasa ilalim sila ng tubig!!! pano ka ba magsalita pag nasa ilalim ng tubig? ; ” blog blog…blog…”
  • BLOG din ang tawag sa hugis na malobo…HINDI PARISUKAT, HNDI PARIHABA, KUNDI BLOG!

honestly, nung unang basa ko nakornihan ako sa pananaw nya pero napag isip isip ko buti pa sya may pananaw tungkol sa blog. diba? ang sabi naman sa diksyonaryo:

  • To write entries in, add material to, or maintain a weblog.

kahit ano pa yan.. basta, ang alam ko, ang BLOG ay parang sarili mong website na pwede mong lagyan ng mga bagay na trip mong ilagay, pwede kang magkwento, magyabang at kung anu-ano pa. sa BLOG mapapatunayan mo na “BLOG” ang mundo, at pwede ka ring mangarap na maging isang nilalang na gaya sa mga palabas sa mga fantaserye sa telebisyon, tulad ng isang serena, at sumabay sa kanila na kumanta ng “blog, blog, blog” sa ilalim ng tubig.. wag ka lang mag atim na mangarap ng napakataas at baka magkamali ka at ikaw ay maBLOG sa lupa..

EPEKTO NG BLOG:

(seryosong pananaw)

Maganda pala ang mag-blog, dito kasi mararamdaman mo ang tunay na kalayaan. Korni ka man, seryoso, madrama, patawa, kahit anong klaseng tao ka pwede, dahil dito pwede mong ihayag ang nararamdaman mo, pwede mong ipagsigawan sa mundo ng BLOG ang mga pananaw mo. kagaya ko, bago lang ako sa pagbla-blog, mejo pinag aaralan ko pa. dati akala ko pang matatalino, matatalinghaga, mga programmer lang ang blog, ndi pala.. hihi.. pwede din pala ako. akalain mo..? ‘pag malungkot ka, masaya, galit, nagtatampo, naiinis, natatakot, sa blog pwede mong express ang feelings mo.. kaya yun.. ayos mag-blog mga pre!

sponsors:

  • http://dictionary.reference.com/browse/Blog
  • http://barefootsurvivor.blogspot.com/2006/02/ano-ang-blog.html

Tatlong Araw na lang..

Uncategorized  Tagged 1 Comment »

Ilang buwan narin ang pinamalagi ko dito sa maynila. Una sa lahat bakit ako napunta dito? Dahil, tumigil ako sa pag-aaral, mahabang istorya kung sasabihin ko pa ang dahilan kung bakit. Basta, ndi ako nagloko.. ndi rin ako naglayas.. hehe.. Ayun, nakapag hanap ng medyo maayos-ayos naman na trabaho, saktong pang suporta lang sa sarili habang nandito. May mga nakilalang bagong kaibigan. Ang saya ng pakiramdam ndi ba ‘pag bago ka lang sa lugar pero marami ka agad kakilala, kabigan, ganun, pero tanggapin natin sa sarili natin na lahat ng simula ay may katapusan. Ilang araw na lang kasi ang hinihintay ko at malapit na akong unuwi sa amin, medyo malungkot kasi nga medyo nasasanay pa lang ako dito, pero ganun talaga eh. Anyways, tama na ang drama..

Punta naman tayo sa masayang side, ayun nga diba, uuwi na ako, hehe.. ayun! matatapos na rin ang mga araw na nagkakandalito-lito ako sa mga paglalagay ng oras at paniningil sa mga customer.. hahah! wala na akong iisipin kung over ba ako o short. tas makakatulog na rin ako sa sarili kong kama na maliban sa mga magulang at girlfriend ko e isa sa pinakamiss ko,eh ‘yong kama ko.. heheh! at makakapasyal na rin ako sa skul, na lagi nilang tinatanong (mga kaibigan ko) kung kelan daw ba ako babalik at kung kelan daw ba ako bibisita sakanila.. ayun, malapit na.. Excited ako ng bonggang bongga sa pag-uwi ko.. sobrang home-sicked na ako eh, mga luto ni mommy miss na miss ko, ewan ko ba bat sobrang natutuwa ako..siguro nga dahil bunso akong anak kaya ganun,at ngayon lang ako nahiwalay sakanila ng ganung katagal na walang uwian buwan buwan, tas isa pa pala kasi ilang araw mula ngayon eh magce-celebrate na kami ng bonggang bongga ng girlfriend ko ng aming pangalawang taon bilang magkasintahan.. lupet noh? dalawang taon na dude.. wala naman sanang kumontra jan.. sa halip eh mag dasal na lang na sana kami na nga habang buhay…heheh..

gumaganun? oo! di nga.. seryoso ako mhen! promise! cge at wala na, wala ng pumapasok sa isipan ko.. cguro bukas kung may maisipan ulit ako eh gagawa ulit ako ng bagong post dito sa blog kong walang kakwenta-kwenta..

cnxa na di ako pinanganak na blogger… xD

bakit nga ba ganun?

Uncategorized 1 Comment »

wah! bakit ganun? akala ko masayang magbakasyon, walang iniisip na assignment, mga paper works, walang sakit sa ulo, ndi nakakapagod araw-araw, ngayon ko lang napagtanto na mas masaya palang mag-aral.. una sa lahat syempre, araw-araw may allowance number 1 yan..haha! tos, pag bumabyahe papuntang skewl naku dami mong makaksabay na magagandang bebot, tos pagdating sa skewl..makikita mo mga teachers mong  mababait (echos) haha! tas, mga kaibigan mo ( SOLID? ) ehem.. mga trip nyong kayo lang nagkakaintindihan.. tawanan, pekyahan.. mga usaping walang katuturan pero napagtitiyagaang pag usapan dahil sa araw-araw ba naman na ginawa ng diyos eh kayo ang laging magkakasama, halos lahat na lang ata ng topic napag-usapan na.. pero higit sa lahat, pinaka miss ko talaga..hmn, si JESUSA, sino ba sya? sya lang naman ang aking pinakakamamahal na kasintahan.. pero, wahah! anim na araw na lamang ang nalalabi at magkikita-kita na tayo, kami ng aking kasintahan ay magkikita na rin.. at ayun, makakapag aral na rin ako… ang saya!haha! i’m so excited, i just can’t hide it!! hahaha.. lol

What does my birthday means? ( August 5 )

Uncategorized No Comments »

Although you are on the quiet side, but you enjoy excitement and changes. Routine is something you cannot stand. Because of your extreme confidence, you hardly ask others for opinion. You believe in leading your own life, and you have got the gift in doing so. Your Love, Nothing can stop you from making progress in your love life. Once you are in love, you feel the ownership of your lover. A third party can only makes your jealousy becomes worse.


Theme & Icons by N.Design Studio.
Entries RSS Comments RSS Log in